Hunyo 1, 1980 nang unang beses na isahimpapawid ang Cable News Network (CNN) mula sa head office nito sa Georgia, United States. Kabilang sa kanilang mga unang iniulat ang tangkang pagpatay sa civil rights leader na si Vernon Jordan.

Nasa 1.7 milyon ang orihinal na tagasubaybay ng CNN, ngunit napagtagumpayan ng tagapagtatag nitong si Robert “Ted” Turner ang iba’t ibang problemang pinansiyal. Noong una, ilang tao ang tumatawag sa CNN ng “Chicken Noodle Network” dahil sa posibilidad na hindi ito magtagal. Taong 1983 nang binili ni Turner ang kalaban nitong Satellite News Channel.

Ngunit nakilala ang CNN sa pagsasahimpapawid ng live events sa iba’t ibang bansa, at higit na nakilala matapos ang blow-by-blow coverage nito sa 1986 Challenger space shuttle disaster at sa 1991 Persian Gulf War.

Ang sikat na aktor na si James Earl Jones ang nagsilbing “the voice of CNN.” Ang channel, ang unang 24-hour news service sa mundo, ay nagsasahimpapawid din ng iba’t ibang primetime series.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon