CONCEPCION, Tarlac - Isang pasahero ang iniulat na namatay habang 36 na iba ang grabeng nasugatan matapos mahulog sa malalim na hukay sa SCTEX Road sa Barangay Santiago, Concepcion, Tarlac, ang isang pampasaherong Partas Bus.

Ang namatay ay si Jayline Manding, 27, ng Dingras, Ilocos Norte. Nasugatan naman ang iba pang pasahero na sina Glenford Recomio, 23, ng San Isidro; Jeaneth Pascua, 47; at Leonardo Pascua, 48, kapwa ng Vigan City; Rose Marie Rondon, 55; Marey Antea Guzman, 12; Neriza Mae Randon, 21; Maren Angeli Gazmen, 8, ng Cabugao, Ilocos Sur; Daniel Conor Taylor, 24; Tuisi Zara, 24, kapwa British, tubong Borehamwood, England.

Sugatan din sina Tatiana Manding, 6, ng Dingras, Ilocos Norte; Jose Rejoso, 37, ng Montreal, Masbate; Evelyn Porte, 55; Loise Joy Giron, 27, ng Samar City; Leonita Offemaria, 61; Sean Moses Derama, 10; at 21 pang biktima na pawang isinugod sa Concepcion District Hospital, sa Tiglao Medical Center Foundation, Inc., at sa Medical City Hospital Clark.

Ang naaksidenteng bus (ACC-9117) ay minamaneho ni Marcus Mercado, 49, ng Bgy. Teppeng, Sinait, Ilocos Sur.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Dakong 3:50 ng umaga at patungong timog ang bus nang magkaroon ito ng mechanical trouble hanggang sa mahulog sa malalim na hukay ng kalsada sa SCTEX. (Leandro Alborote)