Tiyak na dadagundong ang Smart-Araneta Coliseum sa pagsiklab ng world-class na aksiyon sa pagitan ng mga kalahok sa World Slasher Cup-2 Invitational Derby grand finals simula 5:00 ng hapon ngayon.
Nakatuon ang pansin kina Joey Sy, World Slasher Cup-2 defending solo champion, Noel Jarin at Antonio Bautista (Pit Viper Hyper B12), na may apat na puntos patungo sa kampeonato.
Ngunit nagbabantang humadlang sina dating World Slasher Cup champion Gov. Eddie Bong Plaza, at Gov. Claude Bautista (CPB AAO), kapwa sumusulong na wala pang talo.
Si Plaza ay may dalawang partnership entries kasama sina RJ Mea (EP RJM PTM) at Elwin Javelosa (ESJ EP Tarlac), parehong may 4 na puntos.
Ang iba pang kalahok na may 4 na puntos ay kinabibilangan nina Greg Atienza (Rooster Camp/One Capiz); Itoy Sison/Willart Ty/Ricky Magtuto (JVS Ahluck CamSur); J. Mendoza/J. delos Santos/RJ Mea/Gov. Plaza (JM EP JDLS RJM); VG Lacson/Coun. Juris Sucro (Manila Teachers Partylist by VG Lacson/Juris Sucro); Ricky Magtuto (Ahluck CamSur); Engr. Nerio B. Frani/Jun David (Goldwin 585 & Crystal Water); at D. Hinlo/RJ Mea (DVH RJM Excellence).
Sina dating World Slasher Cup champion Rep. Patrick Antonio (Sagupaan Mite-Free), Ka Ador Pleyto (Cela’s Rice Mill); Magno Lim/Gary Tesorero (ML G63); Mayor Egay Capuchino (Deong Arc Farm Oliver-1); at Leo Bernardino/Arif Dembong (Toraja Bustos-333) ay papasok din sa grand finals bitbit ang 3.5 puntos.
Saksi sa prestihiyosong labanang ito ang Supersabong, SabongTV, Sabongnation, Chicken Talk, Bakbakan Na, Gamefowl Magazine, Bagong Sabungero, Cockfights Magazine, Sabong Star, Fightingcock Magazine, at Cockpihan – Usapang Sabong sa Radyo.
Ginaganap sa paanyaya ng Pintakasi of Champions, ang 2016 World Slasher Cup-2 ay itinataguyod ng Thunderbird Platinum, Thunderbird Bexan XP, Petron, Bmeg, at Manila Broadcasting Company.