Isang barangay chairman ang nahulihan ng mga baril at granada sa Damulog, Bukidnon, iniulat kahapon ng pulisya.

Nahaharap sa patung-patong na kasong kriminal si Clemente Pontejos, 60, chairman ng Barangay Kitingting sa Damulog, Bukidnon.

Ayon kay Senior Insp. Danielo Bellezas, tagapagsalita ng Bukidnon Police Provincial Office, naaresto si Pontejos ng mga tauhan ng Damulog Municipal Police, sa bisa ng search warrant ng korte.

Walang kaukulang papeles ang nakumpiska sa suspek na ilang high-powered firearm, granada at mga bala. (Fer Taboy)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar