Kaugnay ng pagsisimula ng klase sa susunod na buwan, muling pipintahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga luma o kumupas nang pedestrian lane, at maglalagay din ng mga panibago malapit sa mga eskuwelahan sa Metro Manila.

Sinabi ni MMDA Chairman Emerson Carlos na mahigit 700 pedestrian lane crossings sa harap ng mga paaralan ang muling pipintahan gamit ang reflectorized thermoplasic materials na hindi agad na kumukupas at nagliliwanag kapag gabi.

“We want to help at least in the repainting of faded pedestrian lanes,” sabi ni Carlos, idinagdag na sinimulan na nila ang proyekto sa Mandaluyong City noong nakaraang linggo.

Sinabi pa ni Carlos na maaari ring tumulong ang MMDA sa mga lokal na pamahalaan sa paglilinis sa paligid ng mga eskuwelahan, kung kinakailangan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Matatandaang ang paglilinis ng ahensiya pagkatapos ng eleksiyon ay tumuon sa mga paaralan na ginamit bilang voting precincts. (Anna Liza Villas-Alavaren)