SEOUL (Reuters) – Nagtangka ang North Korea na magbaril ng missile mula sa east coast nito kahapon ng umaga ngunit nabigo, sinabi ng mga opisyal ng South Korea, sa huling palpak na ballistic missile test ng ermitanyong bansa.
Nangyari ang tangkang paglulunsad dakong 5:20 ng umaga, oras sa Seoul (04:20 p.m. EDT), sinabi ng mga opisyal, na tumangging banggitin ang kanilang mga pangalan.
Inalerto ng Japan ang military nito noong Lunes sa posibleng ballistic missile launch.
“We have no reports of any damage in Japan. We are gathering and analyzing data. The defense ministry is prepared to respond to any situation,” sabi ni Japanese Minister of Defence Gen Nakatani sa media briefing.