Mayo 31, 1578 nang aksidenteng matuklasan ang lagusan patungo sa Christian catacombs sa Via Salaria, hilaga ng Rome, Italy. Nabuksan ng nagsisipaghukay na obrero ang isang sepulchral chamber, at isa ang historian na si Caesar Baronius sa mga unang bumisita sa lugar. Kahit na umani ng atensiyon sa Rome ang nasabing tuklas, iilan lang ang nagbigay ng importansiya rito.

Noong sinaunang panahon, ipinagbabawal sa mga Kristiyanong Romano ang maglibing sa mga regular na libingan. Kaya gumamit sila ng mga catacomb, o ang pagtatabi-tabi ng mga bangkay sa isang mistulang silid sa ilalim ng lupa na tumatalima sa mga panuntunan sa pagtatayo ng istruktura at matatagpuan sa labas ng lungsod.

Sa pader ng mga silid sa ilalim ng lupa na ito ay nagpinta ang mga Kristiyano ng mga eksena mula sa Luma at Bagong Tipan, gaya ni Hesukristo at ng kanyang mga apostoles.

Sinaliksik ng Italyanong archaeologist na si Antonio Bosio ang mga catacomb na ito simula Disyembre 1593, at natuklasang magkakaugnay ang makikipot na lagusan. Isinulat ni Bosio ang librong “Roma Sotterranea”, na roon nakadetalye ang mga catacomb na pinasok niya.

Human-Interest

New pet peeve unlocked: 'Parang nagfe-Facebook sa ATM dahil sa sobrang tagal!'