Nakapagtala si Pinoy golfer Angelo Que ng kabuuang 2-over-par 290 tampok ang final round 73 para sa sosyong ika-15 puwesto sa 46th Gate Way To The Open Mizuno Open 2016 kamakailan sa JFE Setonaikai Golf Club sa Okayama, Japan.

Napag-iwanan ng 13 strokes ang nagnanais mapanatili ang kanyang world ranking na si Que sa nagkampeon na si Kyung Tae Kim na pumalo ng final round 73 para sa 277.

Nagwagi ang Korean ng isang stroke laban sa kababayan na si Sang Hee Lee at Japanese Shugo Imahira at Kodai Ichihara.

Nabokya naman sa cash prize si Juvic Pagunsan na kinapos ng tatlong tira sa cut off mark 147 at hindi na nakalaro sa huling dalawang round ng torneo.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Target ni Que ang karagdagang puntos sa world ranking upang makasikwat ng slots para sa Rio Olympics. Tanging ang top 60 sa world ranking ang makalalaro sa quadrennial meet na nakatakda sa Agosto 5-21. (Angie Oredo)