Balik La Salle para sa kanyang huling playing year si dating UAAP Mythical Team member Jason Perkins.

Ito ang kinumpirma ni bagong Green Archers coach at dating NCAA champion mentor Aldin Ayo nitong Linggo.

Ngunit, ayon kay Ayo kailangan munang paghirapan ni Perkins ang kanyang slot sa team.

“I told him he has to earn his spot just to be fair to the guys who have been working the past five months,” pahayag ni Ayo.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Gayunman, kumpiyansa si Ayo na makakapasok si Perkins sa team dahil na rin sa deterinasyon nitong magbalik-akisyon at bigyan ng karangalan ang eskwelahan.

“Pero si Jason established naman,siguro makakakuha ng spot yun,” pahayag ni Ayo, naniniwalang malaking tulong sa koponan ang 6-foot-6 na si Perkins.

Kung sakali, inaasahang mas lalo pang lalakas ang Green Archers na kasalukuyang nag iisang koponan na wala pang talo sa Fil Oil Flying V Preseason Premier Cup matapos ang limang laro. (Marivic Awitan)