Ngayong opisyal nang nagsimula ang tag-ulan sa bansa, nagsimula na rin ang Philippine Coast Guard (PCG) sa paghahanda ng mga bangka at iba pang mga gamit sa search at rescue operations kaugnay ng inaasahang pananalasa ng mga bagyo at baha sa mga susunod na buwan.

Sinabi ni PCG Spokesman Commander Armand Balilo na inatasan ni Commandant Rear Admiral William Melad ang mga distrito at himpilan ng ahensiya sa buong bansa na maging alerto sa anumang insidente sa karagatan.

Ang mga quick reaction team ng PCG ay binubuo ng mga diver, paramedics, rescue swimmers at K-9 units.

Naghahanda na rin ang PCG kaugnay ng pagbabalik-eskuwela sa susunod na buwan dahil inaasahang magpapabalik-balik sa pagsakay sa bangka ang mga estudyanteng paluwas sa Metro Manila.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kaugnay nito, binigyang-diin ni Melad ang kahalagahan ng pagiging alerto sa kaligtasan sa pagbibiyahe sa karagatan.

Kabilang sa mga ito ang pagpapaigting ng pre-departure inspection sa mga bangka at barko upang maiwasan ang overloading, at pagsasagawa ng public awareness campaign upang matiyak ang kaligtasan sa bawat paglalayag.

Bilang bahagi ng paghahanda ng PCG ngayong tag-ulan, makikipag-ugnayan ang ahensiya sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRMC), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at Philippine Red Cross. (Raymund F. Antonio)