Kinasuhan na sa Quezon City Prosecutor’s Office ng District Anti-Illegal Drugs ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang kilabot na drug dealer makaraang matimbog at masamsaman ng P10-milyon high-grade shabu sa buy-bust operation sa Quezon City, iniulat kahapon ng pulisya.

Kinilala ni Senior Supt. Joselito Esquivel, hepe ng QCPD for Operations, ang suspek na si alyas Ricky, 50, walang tiyak na tirahan sa Quezon City.

Sa inisyal na ulat ng hepe ng DAID na si Supt. Enrico Figueroa, dakong 4:00 ng hapon kamakalawa nang isagawa ng mga operatiba ng DAID Special Operations Task Group ang buy-bust operation sa hideout ng drug syndicate sa Tandang Sora.

Nasamsam sa suspek ang dalawang kilo ng shabu at ang P200,000 marked money, gayundin ang isang itim na Honda Civic (USS-815) na ginagamit sa ilegal na aktibidad ng suspek.

Metro

Inuman ng mga kabataan, nauwi sa batuhan at sapakan sa kapitbahay

Nabatid sa mga operatiba ng QCPD-DAID na Mayo 12 pa nila sinusubaybayan ang suspek, at sinabi ni Figueroa na may kaugnayan ito sa dalawang Chinese na naaresto sa anti-illegal drug operation sa CP Garcia Street sa Cubao, kamakailan. (JUN FABON)