NAGULAT at ikinatuwa ng Kapuso viewers ang guesting ni Ogie Alcasid sa Sunday Pinasaya last Sunday. May mga nagtanong agad kung babalik na siya sa GMA-7 at kung pati sa Bubble Gang, babalik o maggi-guest siya?

In fairness, hindi lang isa ang kinanta ni Ogie at nag-promote pa ng kanyang Ikaw Ang Buhay Ko album kundi featured siya sa dalawang segment ng show. Bukod doon, tampok sa isang segment ang songs niya.

Mag-i-expire ang kontrata ni Ogie sa TV5 sa August, hintayin natin kung magkatotoo ang wish ng kanyang fans na maging Kapuso talent na uli siya at bumalik sa GMA Network.

Halatang pati si Regine Velasquez ay excited sa guesting ni Ogie sa Sunday Pinasaya dahil inihatid nila ito ni Nate sa studio. Ini-repost din ni Regine ang picture nilang asawa na nagpe-perform.

Karina Bautista, PH navy reservist na

May mga nagsa-suggest din na mag-guest si Ogie sa Poor Señorita na pinagbibidahan ni Regine. Marami raw role na puwedeng gampanan si Ogie sa rom-com series ng asawa. (Nitz Miralles)