Nagsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon ang National Bureau of Investigation-Death Investigation Division (NBI-DID) sa pagpaslang sa isang tabloid columnist sa Quiapo, Maynila, nitong Mayo 27.

Sinabi ni NBI-DID chief Daniel Lalucis na hindi pa nila nakukumpirma kung may kinalaman sa trabaho ang pagkamatay ni Alex Balcoba, 55, kolumnista ng People’s Brigada, ngunit sinabing posibleng isang propesyunal na hired killer ang suspek batay sa paraan ng pagbaril nito sa biktima.

Aniya, sa kaliwa, likurang bahagi ng ulo binaril si Balcoba, na nangangahulugang tiniyak nitong hindi mabubuhay ang kolumnista sa isang bala lang.

Sianbi ni Lalucis na susuriin nila ang mga security camera sa lugar habang naghahanap sila ng posibleng testigo dahil inaasahang maraming tao sa lugar nang mangyari ang krimen.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Samantala, binuo ni Manila Police District (MPD) director Chief Supt. Rolando Nana ang Task Force Balcoba, na pinamumunuan ni Senior Supt. Marcelino Pedroso, upang tutukan ang kaso. (Argyll Cyrus B. Geducos)