Inamin kahapon ni outgoing Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ricardo Marquez na ilang pulis ang nangangamba sa napapaulat na malaking reporma sa pulisya kapag naluklok na sa puwesto si incoming President Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Marquez na nabatid niya ang tungkol sa pagkabahalang ito ng ilang opisyal ng pulisya, at maging ng mga operatiba, sa madalas na pag-iikot niya sa mga lalawigan sa bansa sa nakalipas na mga araw upang magpaalam.

“I said change is coming and we should not fear change. There are always concerns but whoever is the President, whoever is the chief PNP for as long as we remain committed to the public service, loyal to the badge we wear, and remain committed to our mission to serve and protect the people, then we have nothing to fear,” ani Marquez.

Ayon sa mga source, kabilang sa mga pinangangambahan ng mga pulis ang posibleng malawakang pagbabago sa pamunuan ng PNP, lalo na dahil maituturing na junior officer pa lang si incoming PNP chief, Chief Supt. Ronald dela Rosa, at ang usap-usapang gagamitin ang mga pulis bilang hitmen ng mga kriminal.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Matatandaang kapwa nangako sina Duterte at Dela Rosa ng all-out na pagtugis sa mga kriminal, partikular na ang mga sangkot sa ilegal na droga.

Gayunman, sa isang hiwalay na panayam ay sinabi ni Dela Rosa na hindi dapat na katakutan ng mga pulis, kabilang na ang matataas na opisyal, ang pamumuno niya sa PNP.

Kapwa determinado sina Duterte at Dela Rosa na sugpuin ang kriminalidad at ilegal na droga sa bansa sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan. (Aaron B. Recuenco)