Isang 56-anyos na lalaki ang namatay makaraang tamaan ng kidlat sa Riverside Street, Barangay Rosario, Pasig City, nitong Linggo ng hapon.

Nagpapakain lang si Alfonso Palomar, 56, ng kanyang panabong nang bigla siyang tamaan ng kidlat, dakong 3:00 ng hapon.

Iniulat ng anak ni Palomar na si Allen ang insidente sa Pasig City Police. Isinugod ang biktima sa Alfonso Hospital, at idineklarang patay ng attending doctor na si Dr. Elvira Bravo.

Ayon sa medical report, namatay ang matandang Palomar sa electrocution o electric shock dahil sa pagdaloy ng kuryente sa katawan nito matapos tamaan ng kidlat.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Noong nakaraang linggo, idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Administration (PAGASA) ang simula ng tag-ulan, na inasaahan na ang mga pag-ulan na may dalang kulog at kidlat. (Aric John Cua)