Dahil ang mga gawain ng tao ang pangunahing banta sa paglalaho ng biodiversity, nanawagan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga Pilipino na tulungan ang gobyerno sa laban nito kontra sa bentahan ng wildlife.
Alinsunod sa pagdiriwang ng Environment Month ngayong Hunyo at may temang “Go Wild for Life, Combat Biodiversity Loss”, sinabi ni DENR Secretary Ramon Paje na dapat na magpatuloy ang laban kontra sa illegal wildlife trade, dahil ang “extinction of species is irreversible and losses are permanent.”
Sisimulan ang isang-buwang pagdiriwang sa tatlong-araw na Young Eco-Ambassador’s Camp sa UP National Engineering Center sa Hunyo 1, na susundan ng Philippine Eagle Week (Hunyo 4-10), at maraming iba pang aktibidad.
(Ellalyn B. De Vera)