Mainam nang maagang maghain ng kani-kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) sa Commission on Elections (Comelec) ang mga nanalo at natalo sa pagkandidato nitong Mayo 9 dahil walang plano ang poll body na palawigin ang deadline of filing sa Hunyo 8.

“Our deadline is on June 8. It is non-extendible. If you fail to file it by that date, it's considered not filed,” sabi ni Comelec Commissioner Christian Robert Lim.

Dagdag pa ni Lim, ang hindi kumpletong SOCE, gayundin ang hindi nakasunod sa prescribed form, ay ikokonsiderang hindi naisumite.

Nakadetalye sa SOCE ang mga kontribusyong natanggap ng isang kandidato o partido; ang listahan ng mga nagastos, mga hindi pa nababayaran, ang nature at halaga nito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi ni Lim, pinuno ng Comelec-Campaign Finance Office, na ang kabiguang magsumite ng SOCE ay makapipigil upang makapanungkulan ang isang nanalong kandidato.

“If you assume your position, we will ask you to vacate if you have not filed your SOCEs,” ani Lim.

Alinsunod sa Comelec Resolution No. 9991, ang mga nahalal na kandidato na nagsumite ng SOCE ay agarang iisyuhan ng Certificate of Formal Compliance, na isusumite naman nila kapag naluklok na sa puwesto.

Ang hindi makapaghahain ng SOCE ay kakailanganing magbayad ng P10,000-P30,000 administrative fine sa unang paglabag, at P20,000-P60,000 sa ikalawa. (Leslie Ann G. Aquino)