Nagtala si UAAP Season 78 finals MVP Ysay Marasigan ng 20 puntos sa kanyang debut game upang pangunahan ang Cignal sa una nitong panalo, 25-18, 23-25, 21-25, 25-20, 15-10 kontra Bounty Fresh kahapon sa Spiker’s Turf Season 2 sa San Juan Arena.

Huling lumamang ang Bounty Fresh sa iskor na 10-9 bago isinalansan ng HD Spikers ang huling anim na puntos sa laro.

Nagtala ng 16 na hit at apat na block si Marasigan at nagdagdag naman si Raymark Woo ng 14 puntos habang kumana sina Herschel Ramos at Edmar Bonono ng 13 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod.

“Ang team ko kasi malakas individually, kaya nag-a-adjust pa kami,” pahayag ni coach Michael Cariño. 

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

“Wala kasi kaming ka tune-up, kami kami lang nag i- ensayo kaya itong game na ito maganda to para sa team kasi nakita namin kung ano yung mga dapat ayusin,” aniya. (Marivic Awitan)