Baron & Kiko copy

ANG indie actor na si Kiko Matos pala ang nakabangga ni Baron Geisler sa Tomato Kick restaurant/bar sa Tomas Morato na nauwi sa upakan. Nakakatakot kapag muling nagkita ang dalawa dahil nagkahamunan na. Baka ‘pag nagkita sila, wala na lang sabi-sabi at magkaroon ng part two ang kanilang upakan.

Iba ang version ni Baron sa version ni Kiko at may version din ang eyewitness, bahala na lang siguro ang nakakabasa kung sino ang paniniwalaan sa tatlong anggulo.

Unang na-interview ng News5 si Baron at ang sabi niya, “Magkita tayo sa mata. Pagod ako, pagod na pagod, pero bibigwasan kita, isa lang.”

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Na-interview naman ng GMA-7 si Kiko at ang sagot kay Baron ay, “Face Me. Don’t Facebook me. Ang dami mong sinasabi.

Gusto ko lang siyang turuan ng leksiyon.”

Sumagot via phone si Baron at ang sabi, hini-heckle siya ni Kiko. “Go ahead! I’m ready to face him, to fight him anytime.”

Kaya mahirap kapag nagkita ang dalawa at baka magkaroon ng part two ang umbagan nila. Baka hindi lang sapakan ang mangyari sa kanilang dalawa. Sana may mga taong mamagitan para hindi na sila magkasakitan.

Ang “heckle” palang binanggit ni Baron ay naikuwento ng isang eyewitness. Habang kumakanta si Baron, inaasar daw siya ni Kiko at hindi ‘yun nagustuhan ni Baron. Kumbaga, naipon hanggang sa kumulo ang inis nila sa isa’t isa.

Ang irony nito, fundraising event ang okasyon na pinuntahan nina Baron at Kiko at ang Free Maricor Montajes ay naglalayong makaipon para makatulong na makalaya ang nasabing political prisoner. Nakalulungkot na nauwi ito sa gulo.