BUCHAREST, Romania (AP) – Sinabi ng Romanian prosecutors na kinasuhan nila ang dose-dosenang doktor na tumanggap ng suhol matapos bayaran ng isang pharmaceutical company ang kanilang bakasyon sa India, kapalit ng pangakong isusulong ang anti-cancer medicine sa mga pasyente.

Sinabi ng mga prosecutor nitong Lunes na nagbayad ang hindi pinangalanang kumpanya nang malaki para sa 77 oncologist na dadalo sa isang breast cancer congress sa Bangalore, India, noong Marso 2012. Ngunit ang totoo, ang mga doktor, ang ilan ay kasama ang kanilang mga pamilya, ay nagbakasyon lamang sa New Delhi mahigit 2,000 kilometro ang layo sa venue.

Sinabi ng kumpanya na nagbayad sila ng 520,000 euros at 417,000 euros dito ay mga suhol, ayon sa prosecutors.

Tinawag nila ang congress na “a pretext, a way of hiding the vacation given to medics by the company ... to guide patients to the company’s generic products.’’

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina