BERLIN (AP) — Ibinasura ng World Health Organization (WHO) ang panawagan ng ilang grupo ng health expert na ikansela o ipagpaliban ang Rio Olympics bunsod ng Zika outbreak sa Brazil at karatig na mga bansa sa Central America.

Iginiit ng WHO na wala silang nakikitang malinaw na dahilan o banta sa publiko para ipakansela ang quadrennial Games na nakatakda sa Agosto 5-21.

Isang sulat na may lagda ng 150 health experts ang ipinadala sa U.N. health agency at nananawagan na ikansela o ipagpaliban ang Olympics “in the name of public health.”

Iginiit ng petitioner na may “scientific evidence” na nagtuturo sa Zika virus na direktang may kinalaman sa pagkakaroon ng depekto sa laki ng ulo at utak ng mga sanggol.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Iginiit naman ng WHO na “based on current assessment, cancelling or changing the location of the 2016 Olympics will not significantly alter the international spread of Zika virus.”

“Based on the current assessment of Zika virus circulating in almost 60 countries globally and 39 in the Americas, there is no public health justification for postponing or cancelling the games,” pahayag ng WHO.

“WHO will continue to monitor the situation and update our advice as necessary.”