Itinanggi kahapon ni United Nations Secretary General Ban Ki-moon na ang pagbisita niya kamakailan sa South Korea ay may kaugnayan sa pinaplano niyang kumandidato sa pagkapangulo, sinabing pinagrabe lang ang komento niya sa usapin.

Umuwi sa kanyang bansa noong nakaraang linggo para sa anim na araw na pagbisita, umugong ang mga espekulasyon na posibleng kumandidato si Ban sa pagkapresidente ng South Korea sa 2017—pagkatapos niyang bumaba sa puwesto sa UN sa pagtatapos ng taong ito.

Sinabi kahapon ni Ban na siya ay “baffled” sa “exaggerated” na pag-uulat tungkol sa kanyang komento kung ano ang maaari niyang pagkaabalahan pagkatapos ng kanyang termino sa UN, iginiit na walang personal o pulitikal na anggulo ang kanyang pag-uwi.

Gayunman, hindi direktang itinanggi ng 71-anyos kung mayroon siyang ambisyong maging pangulo. (AFP)
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina