NAPAULAT na nilooban ang studio ni Kanye West sa California.
Mahigit $20,000 (P936,200) halaga ng computer equipment ang natangay mula sa creative studio ng rapper sa Calabasas noong nakaraang linggo, iniulat ng TMZ.com.
Puwersahang binuksan ang pinto at tinangay ng nag-iisang magnanakaw ang ilang laptop at desktop computers, pahayag ng law enforcers sa TMZ.
Gayunman, dahil sa matinding technology security ay nabigong magkaroon ng access ang mga suspek sa mga nasabing computer, at napalitan na rin ang mga ito.
Wala pang suspek ang pulisya hanggang ngayon, ngunit naniniwala ang grupo ni Kanye na isang may direktang alam sa mga nilalaman ng studio ng rapper ang suspek.
Tumanggi namang magkomento sa insidente ang kinatawan ng 38-anyos na The Life of Pablohitmaker. (Cover Media)