CIUDAD VICTORIA, Mexico (AP) — Isang malawakang search operation ang isinasagawa ng Federal at state military forces nitong Linggo (Lunes sa Manila) para sa kinidnap na Mexican soccer star na si Alan Pulido.

Miyembro ang 25-anyos na si Pulido ng Olympiakos of Greece sa European League at bahagi ng Mexico team na sumabak sa 2014 World Cup.

“We have information that he was intercepted by armed persons and since then his whereabouts are unknown,” pahayag ni State Attorney General Ismael Quintanilla sa Associated Press.

Sa mensahe sa Twitter, kinumpirma ng Tamaulipas Coordination Group, kabilang ang federal at state security agent sa paghahanap sa posibleng pinagtaguan sa biktima.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Sa paunang ulat, hinarang at sapilitang kinuha ng armadong kalalakihan si Pulido matapos dumalo sa isang pagdiriwang ng kaibigan sa kanyang hometown Ciudad Victoria, ang kapitolyo ng Tamaulipas, isa sa mga lungsod na maraming kaso ng drug gangs.

“At this difficult time, our thoughts and prayers are with Alan,” pahayag ng Olympiakos sa official Twitter account ng koponan.

Ikinadismaya naman ng dating teammate ni Pulido sa National team ang kaganapan at hiniling sa mga suspect na palayain nang maayos ang isa sa itinuturing na football icon sa Mexico.

“A shame what happened,” pahayag ni goalkeeper Jesus Corona.

“My prayers are with him and his family at this difficult time.”