HAY-ON-WYE, Wales — Tapos na si Sam Mendes sa kanyang responsibilidad sa James Bond.
Ipinahayag ng British director ng Skyfall at Spectre nitong Biyernes (Mayo 28, 2016) na hindi na siya ang magdidirehe ng susunod na pelikula ng kilalang spy series.
“It was an incredible adventure, I loved every second of it,” pahayag ni Mendes tungkol sa limang taong pagtatrabaho sa thriller franchise. “But I think it’s time for somebody else.”
Isiniwalat ni Mendes ang kanyang plano na lisanin ang serye. Ang dating theatre director na ang ilan sa mga pelikula ay ang Oscar-winner American Beauty at Revolutionary Road, sinabi ni Mendes ang kanyang kahilingan na sana, ang susunod na Bond director ay magmumula sa isang “unexpected direction,” gaya niya.
Sa una niyang pelikula, Skyfall, na naging patok sa mga manonood, marami ang nagsabi na mas napalalim niya ang bawat karakter. Naging matagumpay din ang Spectre.
Mismong si Mendes ang nagnais na makabuo ng kakaibang pelikula.
“I’m a storyteller. And at the end of the day, I want to make stories with new characters,” aniya.
Malinaw sa pahayag ni Mendes na hindi na siya ang magdidirehe ng susunod na pelikula, ngunit hindi pa malinaw kung babalik si Daniel Craig bilang 007.
Kabilang sa mga napag-uusapang papalit ay sina Tom Hiddleston at Idris Elba. Parehong kilala ng mga manonood, ngunit sinabi ni Mendes, “It’s not a democracy… Barbara Broccoli decides who is going to be the next Bond, end of story,” - Associated Press