Tinanggap ni Reel Time Executive Producer Jayson Bernard Santos (pangatlo mula sa kaliwa) ang parangal mula sa AIBD sa Asia Media Summit 2016, sa Incheon, South Korea.

Tinanggap ni Reel Time Executive Producer Jayson Bernard Santos (pangatlo mula sa kaliwa) ang parangal mula sa AIBD sa Asia Media Summit 2016, sa Incheon, South Korea.

NAGWAGI ang programa ng GMA News TV na Reel Time bilang Best Program on Promoting Children Rights sa ilalim ng Humanity category sa ginanap na Asia-Pacific Institute for Broadcasting Development (AIBD)’s World Television Awards kamakailan, na ang tinalo ay mga kalahok mula sa iba’t ibang bansa ng Asia-Pacific, Europe, Africa, at North and South America.

Sa awarding ceremony noong May 25 sa Incheon, South Korea, kinilala ang Reel Time para sa episode nitong “Isang Paa sa Hukay (The Price of Gold).” Ang documentary ay tungkol sa small-scale mining sa Camarines Norte na may mga bata na walang takot na sumisisid sa burak at malalim na hukay gamit lamang ang isang air compressor para makahinga at makahanap ng maliliit na piraso ng ginto. Ang Reel Time executive producer na si Jayson Bernard Santos ang sumulat at direktor ng nasabing episode.

Noong Abril, ginawaran din ng bronze award ang nasabing episode sa New York Festivals sa ilalim ng Human Concerns category.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ito ang pangalawang karangalang inuwi ng GMA mula sa AIBD. Noong nakaraang taon, nagwagi ang Kapuso Network ng Best Documentary citation sa ilalim ng Humanity Category Dealing with Natural Disaster para sa “Pagbangon”. Ito ay isang dokumentaryong naglalahad ng mga recovery at rehabilitation effort para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Ang World TV Awards ng AIBD ay sinimulan nong 2004 upang kilalanin ang papel ng media sa pagtataguyod ng kamalayan tungkol sa mga mahahalagang isyu tulad ng cultural diversity, religious understanding, tolerance, natural disasters, at children’s rights. Ito ay bukas sa mga broadcaster mula sa pampubliko at pribadong sektor at freelance producers.