Bahagi ng plano ni President-elect Rodrigo Duterte na ipaubaya sa China ang una niyang “big project”, ang binabalak niyang railway systems project sa Luzon at Mindanao.

Ayon kay Duterte, nais niyang maging katuwang ng Pilipinas ang China sa nasabing proyekto, dahil kailangan din ng bansa ang tulong ng huli sapagkat kulang ang pondo ng ating gobyerno para sa malalaking proyektong gaya nito.

Sinabi ni Duterte na ang nasabing railway systems ay mag-uugnay sa Maynila at Nueva Vizcaya sa Central Luzon, Maynila at Sorsogon, Maynila at Batangas, at sa kabuuan ng Mindanao.

Tiniyak naman ni Duterte na hindi nito maaapektuhan ang arbitration case sa West Philippine Sea (WPS).

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Beth Camia