Kevin Durant, Stephen Curry

Golden State Warriors at Oklahoma City Thunder, matira ang matibay sa Game Seven ng WC Finals.

OAKLAND, Calif. (AP) Nakataya ang lahat, pati pamato’t panabla sa paghaharap ng Golden State at Oklahoma City sa makasaysayang Game 7 ng Western Conference finals, Lunes ng gabi (Martes sa Manila) sa tahanan ng Warriors – ang Oracle Arena.

Matapos ang makasaysayang 73 panalo sa regular season, ang pagtatangka ng Warriors na maidepensa ang NBA title ay nauwi sa krusyal na sitwasyon at laban sa isa sa pinakamatikas na karibal.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Naisalba ng Warriors ang season nang magapi ang Thunder, 108-101, sa Game 6.

At kakailanganin nila ang mas agresibong opensa para makumpleto ang matikas na pagbangon at maging ika-10 koponan na nakaahon mula sa 1-3 paghahabol.

Mismong si back-to-back MVP Stephen Curry ang nagpatotoo na hindi magiging madali ang panalo kahit tangan ng Warriors ang bentahe ng home court at suporta ng crowd.

“It’s going to be a hard game. If we thought tonight was hard, Game 7’s going to be even tougher,” pahayag ni Curry.

“Everybody on both sides of the ball is going to leave it all out on the floor. It’s win or go home. So we can’t expect just because we’re at home that we can just show up and win,” aniya.

Kinatigan ni coach Steve Kerr ang pahayag ni Curry at iginiit na pursigido rin ang kanilang karibal na ibahin ang daan patungo sa kasaysayan ng Warriors.

“I’ve learned that our players are tough, they’re mentally tough,” sambit ni Coach of the Year Steve Kerr.

“I don’t know if I really learned that. I already knew that. But they’ve firmly confirmed that. It’s been a great comeback. Now we still have to play. We still have another game.”

Ayon kay Kerr, pinuntirya nila na maagaw ng Warriors ang momentum sa Thunder at ngayong nagtagumpay siya sa kanyang plano patungo sa krusyal na Game 7 ng Western Conference best-of-seven finals , hindi niya papayagang makalusot ang pagkakataon sa kanilang mga kamay.

“We got a big one last night to stay alive, and now we’ve got some momentum. But it can work in reverse,” sambit ni Kerr.

“One game changes everything, and we’ve got to come out and play our game and play well to finish the series out.”

Tunay na hindi magiging madali sa Golden State ang lahat, higit at parehong gutom sa kampeonato sina Kevin Durant at Russel Westbrook, na puntiryang makapasok muli sa NBA Finals mula noong 2012 kung saan winalis lamang sila ng Miami Heat na pinangungunahan ni LeBron James.

Nagkataon, naghihintay sa NBA Finals si James at ang Cleveland Cavaliers na nakausad sa impresibong 4-2 karta laban sa Toronto Raptors.

“Lot of people probably counted us out,” pahayag ni Thompson.