Nagpalit ng sistema at nagsimula muli sa umpisa ang National University women’s volleyball team sa ikalawang taon  ni coach Roger Gorayeb.

Dumating si Gorayeb sa NU noong nakaraang taon bago magsimula ang season.

Kumbaga, minana na lamang niya ang koponan na noo’y may 18 manlalaro ang dating head coach na si Ariel de la Cruz.

Kaya naman hindi niya halos nabago ang nabuong sistema ng koponan hanggang sa matapos ang UAAP Season 78 kung saan nabigo silang pumasok ng Final Four.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“May binago tayong konti sa sistema. Ginawa kong masaya yung atmosphere para sa kanila, ayun maganda naman ang naging simula,” pahayag ni Gorayeb.

Tinalo ng Lady Bulldogs ang Laoag Power Smashers sa kanilang debut game sa 2016 Shakey’s V League Open Conference ,25-21, 20-25, 25-21, 25-21.

Pito lamang ang natirang beterano mula sa nakaraan taon na line-up na kinabibilangan nina Jaja Santiago, Roma Doromal, Aiko Urdas, Gayle Valdez, Jorelle Singh at Jasmin Nabor.

May lima namang bagito na kinabibilangan nina Risa Sato, Joni Chavez, Audrey Paran at Lernie Aberin na pumalit kina Myla at Marites Pablo, Via General, Jocelyn Soliven, Rica Soliven at Ivy Perez.

Ibinalik din ni Gorayeb ang sophomore na si Nabor sa dati nitong posisyon bilang setter matapos i- convert na spiker na naging epektibo sa naitalang 10 puntos, tampok ang apat na block.

“Tingin ko mas magiging maganda ngayon kasi nag- umpisa kami ulit sa basics tapos nag-i- enjoy lang yung mga players sa kanilang ginagawa.Ang gaan ng laro nila,talagang masaya sila sa laro,” pahayag ni Gorayeb. - Marivic Awitan