TOKYO (AFP) - Sinabihan ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang kanyang malalapit na tagasuporta, kabilang na si Finance Minister Taro Aso, na plano niyang bawiin ang planong pagpapataas ng singil sa buwis, ayon sa Japanese media.

Nakatakdang matapos sa panunungkulan si Abe sa Setyembre 2018 maliban na lang kung aaprubahan ng Liberal Democratic Party ang isang exceptional measure para palawigin ang kanyang pamumuno.

Ito ay nangangahulugan na ipauubaya na niya ang pagpapatupad ng mas mataas na buwis—isang paraan upang mapababa ang malalaking utang ng bansa—sa susunod na prime minister.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina