Kabilang ngayon ang isang Filipino-American sa Ten Most Wanted Fugitives ng US Federal Bureau of Investigation (FBI) dahil sa pagpatay sa kanyang buntis na nobya sa Rampart area ng Los Angeles, California, nitong Abril.

Nag-alok ang FBI ng $100,000 (P4.7 milyon) pabuya sa sino mang makapagtuturo sa pinagtataguan ni Philip Patrick Policarpio, 39, na kinasuhan ng two counts of first degree murder nitong Abril 22 sa Los Angeles.

Nangyari ang pamamaril nitong Abril 12, sa pagtitipon ng mga kaibigan ni Policarpio sa 500 Block of N. Virgil Avenue sa East Hollywood, Los Angeles, na roon namataang nagbabangayan si Policarpio at ang nobyang si Lauren Olguin, na 17 linggo nang buntis.

Base sa salaysay ng mga testigo, inupakan ni Policarpio si Olguin bago binunutan ng baril at pinutukan sa ulo. Nangyari ang insidente sa harap ng mga bisita, ayon sa imbestigasyon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon sa FBI, pinagkalooban si Policarpio ng parole noong Mayo 2015 matapos makulong dahil sa kasong assault with a firearm.

Pinatawan si Policarpio ng parusang pagkakakulong ng 14 na taon matapos paputukan ng siyam na beses ang isang sasakyan dahil sa alitan sa driver nito. - Roy Mabasa