Iniimbestigahan na ngayon ng pulisya ang panloloob sa apartment ng isang dating player ng Philippine Basketball Association (PBA) at mga kasamahan nito sa Tacloban City, Leyte, nitong Mayo 24.

Sinabi ni Tacloban City Police Office director Senior Supt. Domingo Say Cabillan na nilooban ng hindi pa kilalang suspek ang inuupahang apartment ng dating PBA player na si Roger Yap Jr. at iba pang biktima sa Ricsol Compound, Barangay 74, Lower Nula-Tula sa Tacloban City.

Natangay mula kay Yap ang halos P500,000 halaga ng ari-arian ng mga salarin na nakapasok sa kanyang apartment habang siya at ang kanyang misis ay nasa ibang lugar.

Si Yap ay tubong Cebu City habang ang kanyang misis ay taga-Tacloban.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Sinisilip ng pulisya ang anggulong inside job dahil walang indikasyon na gumamit ng puwersa ang mga suspek para makapasok sa apartment ng mga biktima.

Mayroon ding isinasagawang konstruksiyon sa loob ng compound kaya labas-pasok din sa lugar ang mga obrero.

Samantala, natangay din sa isa pang biktima na si Manilyn Vinas Canete, 23, estudyante, ang isang Macbook laptop na nagkakahalaga ng P60,000, dalawang 18-karat Chinese gold bracelet, at iba pang alahas. - Nestor Abrematea