Hinikayat ng isang beteranong election lawyer si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na dumalo sa proklamasyon nito bilang susunod na pangulo ng bansa, na gaganapin sa Kongreso ngayong Lunes.

Ayon kay Atty. Romulo Macalintal, dapat na bigyang-halaga ni Duterte ang gagawing proclamation of winners ng Kongreso, na tumatayong National Board of Canvassers (NBOC) para sa eleksiyon nitong Mayo 9.

“Ia-advise ko sa kanya na kailangan mag-attend siya. Unang-una, bigyan ng respeto ang Congress. Pangalawa, bigyang respeto ‘yung hinahangad ng taumbayan, lalong-lalo na ng kanyang adoring fans na bumoto sa kanya. Talagang madi-disappoint ang mga taong ‘yan ‘pag hindi siya pumunta,” ani Macalintal.

Bagamat una nang sinabi ni Duterte na hindi siya dadalo sa proklamasyon sa Kongreso, naniniwala si Macalintal na posible pang magbago ng isip ang alkalde, gaya ng pagkambiyo nito noon sa pagtangging kumandidato sa pagkapangulo. - Mary Ann Santiago

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'