Mga laro ngayon (San Juan Arena)

1 n.h. -- Cignal vs Bounty Fresh

4 n.h. -- Air Force vs Bali Pure

6:30 n.g. -- Laoag vs Iriga

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Makahanay sa mga nagsipagwagi sa opening day ang tatangkain ng mga koponang sasalang ngayong hapon sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Spiker’s Turf at Shakey’s V League Open Conference sa San Juan Arena.

Mag-uunahang makasalo sa opening day winner Instituto Esthetico Manila sa nag-iisang laro sa Spiker’s Turf sa 1:00 ng tanghali ang star-studded Cignal at baguhang Bounty Fresh.

Magtutuos naman sa pambungad na laro sa V- League ganap na 4:00 ng hapon ang Philippine Air Force at Balipure na susundan ng tapatan ng Laoag at Iriga sa tampok na laro ganap na 6:30 ng gabi.

Inaasahang mamumuno sa kampanya ng HD Spikers ni coach Michael Cariño ang mga dating collegiate standouts na sina Lorenzo Capate Jr., Ysay Marasigan, Vince Mangulabnan, Raymark Woo, Jeffrey Lansangan, Alexis Faytaren, at Edmar Bonono.

Susukat naman sa kanilang kakayahan ang tropa ni coach Fritz Santos na pangungunahan nina Jason Sarabia, Jeric Gacutan, Romnick Rico at Philip Bagalay.

Magkukumahog namang humanay sa mga winner ang Bali Pure sa V- League kahit wala ang mga ace spikers na sina Alyssa Valdez at Gretchel Soltones na kasalukuyang nasa London para sa isang serye ng exhibition games. - Marivic Awitan