SOFIA (AFP) – Sa unang pagkakataon, hinarang ng Bulgaria ang may 100 migrante sa pagpasok sa katimugang hangganan nito sa Greece, bilang isang “strong message” sa mga human trafficker.

Kabilang sa mga ito ang nasa 56 na Afghan na natuklasang nagtatago sa isang freight train, at sa isang grupo ng may 40 Syrian at Iraqi.

Kapwa pinigil ang dalawang grupo nitong Sabado, sa pinakamaraming nahuli sa pagtatangkang pasukin ang bansa sa silangang Europe mula nang nagsimula ang migrant crisis.

Agad ding pinabalik ang mga Afghan sa kani-kanilang pinagmulan, habang iniimbestigahan pa ang 40.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina