Mas mahigpit ang labanan sa 2016 World Slasher Cup-2 8-Cock Invitational Derby sa paghaharap ng mga kalahok sa ikalawang semi-final round sa Smart Araneta Coliseum.

Nakatakda ang aksiyon simula 10:00 ng umaga.

Mga dating WSC champion at ilan sa mga pinakamahuhusay na sabungero sa bansa ang maghaharap sa mahigpit na labanan para umabante sa pre-finals.

Sina Gerry Ramos, Patrick Antonio, Ampil Brothers, Honey Yu, Eddie Araneta, Boyet Plaza, Ito Ynares, Nene Araneta, Raffy Campos, Peping Cojuangco, at Osang dela Rosa ay ilan sa mga kalahok sa semi-final round ngayong araw.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Nagbabanta naman si Joey Sy, defending WSC-2 champion, at undefeated sa eliminations sa iskor na 2 perpektong puntos, na walisin ang mga hahadlang sa kanyang kampanyang muling ipanalo ang titulo.

Ang 4-cock pre-finals ay nakatakda sa Mayo 30-31, habang ang pinaka aabangang grand finals ay sa Hunyo 1.

Saksi sa prestihiyosong labanang ito ang Supersabong, SabongTV, Sabongnation, Chicken Talk, Bakbakan Na, Gamefowl Magazine, Bagong Sabungero, Cockfights Magazine, Sabong Star, Fightingcock Magazine, at Cockpihan – Usapang Sabong sa Radyo.

Ginaganap sa paanyaya ng Pinatakasi of Champions, ang 2016 World Slasher Cup-2 ay itinataguyod din ng Thunderbird Platinum, Thunderbird Bexan XP, Petron, Bmeg, at Manila Broadcasting Company.