Naaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang binata na umano’y nasa likod ng pagbebenta ng ilegal na droga sa isang concert sa SM Mall of Asia (MOA) sa Pasay City, na limang concertgoer ang namatay dahil sa drug overdose.

Nasa kustodiya na ng NBI sa Manila si Joshua Habalo, 23, isang party organizer, matapos madakip ng awtoridad sa isang hotel sa Pasay, kahapon ng umaga.

Narekober sa suspek ang iba’t ibang party drug kabilang ang ecstasy, “green amore,” at “red apple,” na kabilang sa mga inialok na droga sa mga dumalo sa Close Up Forever Summer Concert sa open concert ground ng SM MOA noong 3:00 ng hapon ng Mayo 21.

Pinaghahanap na ng awtoridad ang dalawa pang suspek na responsable sa pagbebenta ng droga sa concert.

National

VP Sara, iginiit na walang ginagawa si PBBM para sa bayan kaya walang masabi si Usec. Castro

Matatandaang limang party-goer ang iniulat na namatay sa kainitan ng konsiyerto, at isa sa anggulong sinisiyasat ng awtoridad ay drug overdose.

Lumitaw sa awtopsiya na“massive heart attack”ang sanhi ng pagkamatay nina Bianca Fontejon,18; at Lance Garcia, 36, habang multiple organ failure naman ang ikinamatay nina Ken Migawa, 18; at Eric Anthony Miller, 33 anyos.

Kaakibat ng atake sa puso ng mga biktima ang high blood pressure, kidney failure at dehydration na itinuturing na epekto umano ng overdose o sobrang paggamit ng droga.

Bukod sa apat, nasawi rin si Ariel Leal, 22, subalit tumanggi ang kanyang pamilya na isalang sa awtopsiya ang kanyang bangkay. (Bella Gamotea)