Sinampahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ng kasong kriminal ang isang tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at dalawang iba pa na naaresto kamakailan dahil sa umano’y pagkakasangkot sa pagbebenta ng mga ilegal na droga na nakumpiska sa serye ng police operations.

Sinabi ni NBI-National Capital Region (NCR) Director Max Salvador na isinalang sa inquest proceeding sa Department of Justice (DoJ) nitong Huwebes si PO2 Jolly Aliangan, isang tauhan ng NCRPO anti-drugs unit; pinsan nitong si Jeffrey Gutierrez; at maybahay ng pulis na si Rona Navarro.

Nahaharap ngayon ang tatlo sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 dahil sa pagbebenta at pag-iingat ng ilegal na droga at drug paraphernalia. Bukod dito, kinasuhan din ang tatlong suspek ng appurtenances, obstruction of justice, at illegal possession of firearms.

Matapos magpositibo sa drug test, kinasuhan din si Navarro sa paggamit ng ilegal na droga.

Metro

Nagulungan pa sa ulo! Lalaki, na-hit-and-run ng 2 motorsiklo

Unang sinabi ng NBI-NCR na tinangka ni Navarro na ikubli ang mga droga nang i-flush ang mga ito sa inodoro nang salakayin ng raiding team ang kanilang bahay sa Sampaloc, Manila, nitong Miyerkules.

Ngunit nakakuha pa rin ang awtoridad ng mga residue sa sahig ng palikuran at inodoro.

Nakumpiska rin sa bahay ni PO2 Aliagan ang isang Mitsubishi Montero Sport na may pekeng plaka.

(Argyll Cyrus B. Geducos)