Obama, Hiroshim hug [ap] copy

HIROSHIMA, Japan (AP) — Nagbigay-pugay si Barack Obama noong Biyernes sa "silent cry" ng 140,000 katao na namatay sa unang atomic bomb attack sa mundo at hiniling na muling bigyang pansin ang hindi natupad na pangarap na mabura sa mundo ang nuclear weapons, nang siya maging unang nakaupong pangulo ng United States na bumisita sa Hiroshima.

"Death fell from the sky and the world was changed," sabi ni Obama, matapos mag-alay ng bulaklak, ipinikit ang kanyang mga mata at sandaling yumuko sa nakaarkong monumento sa Peace Memorial Park ng Hiroshima na nagpaparangal sa mga namatay noong Agosto 6, 1945, nang ibagsak ng U.S. forces ang bomba na nagpasimula sa nuclear age. Ang pambobomba, ayon kay Obama, "demonstrated that mankind possessed the means to destroy itself."

Hindi humingi ng tawad si Obama, at sa halip ay nagbigay ng reflection ng hilakbot ng digmaan at pag-asa na maaalala ang Hiroshima bilang simula ng "moral awakening." Habang nakatayo siya sa tabi ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe malapit sa iconic bombed-out domed building, inamin ni Obama ang matinding pinsalang idinulot ng digmaan at hinimok ang mundo gumawa nang mas mabuti.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

"We stand here in the middle of this city and force ourselves to imagine the moment the bomb fell ... we listen to a silent cry," sabi ni Obama.

Ang ikalawang atomic bomb, ibinagsak sa Nagasaki makalipas ang tatlong araw kasunod ng Hiroshima, ay pumatay ng mahigit 70,000 pa.

"We must have the courage to escape the logic of fear and pursue a world without them," sabi ni Obama kaugnay sa nuclear weapons.

Tumanggap si Obama ng Nobel Peace Prize sa simula ng kanyang panguluhan dahil sa kanyang anti-nuclear agenda ngunit halos walang naging progreso sa kampanya niyang ito.

Matapos ang mga talumpati, tinawag ni Abe ang pagbisita ni Obama na matapang at matagal na hinintay. Sinabi niya na makatutulong ito sa pagdurusa ng mga survivor at sinuportahan ang anti-nuclear sentiments.

"At any place in world, this tragedy must not be repeated again," sabi ni Abe.

Kasunod nito ay ipinakilala kay Obama ang dalawang survivor. Sa isang punto, nakita si Obama na tumatawa at ngumingiti kasama ang 91-anyos na si Sunao Tsuboi, at niyakap si Shigeaki Mori, 79. Nag-usap sila sa pamamagitan ng interpreter.

Layunin ng pagbisita na ipakita ang lakas ng alyansang U.S.-Japanese.

Sa pagbabalik nila sa lobby ng peace museum nagsulat sa guest book si Obama: "We have known the agony of war. Let us now find the courage, together, to spread peace, and pursue a world without nuclear weapons," isinulat niya, ayon sa White House.