HOUSTON (AP) – Ang galing at husay ng beteranong coach na si Mike D’Antoni ang mangangasiwa sa potensiyal ni James Harden at ng Houston Rockets sa susunod na NBA season.

Ipinahayag ng isang opisyal na may direktang kinalaman sa usapin, ngunit tumangging ipabanggit ang pangalan na nakipagkasundo na si D’Antoni sa Houston management.

Ang 65-anyos na si D’Antoni ang ipinapalagay na isa sa pinakamalikhaing coach sa liga. Pinangunahan niya ang Phoenix Suns sa dalawang Western Conference finals sa loob ng limang season, tampok ang tambalan nina Steve Nash at Amare Stoudemire.

Hindi man naging matagumpay ang kanyang kampanya sa New York Knicks at sa Los Angeles Lakers, nanatili siya sa sirkulasyon bilang assistant coach ng Philadelphia Sixers.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Mamanahin ni D’Antoni ang Rockets na itinuturing na isa sa pinakamalakas na koponan, ngunit hindi makawala ang

potensiyal ng mga player tulad ni Harden. Sinibak ng Golden State ang Houston sa first round ngayong season.

Tangan ni D’Antoni ang 455-426 marka sa loob ng 12 season, kabilang ang impresibong 50-game stint sa Denver Nuggets noong 1998-99.