France Tennis French Open Nadal

PARIS (AP) — Naunsiyami ang kampanya ni Spanish superstar Rafael Nadal sa Roland Garros dahil sa pinsala sa kaliwang kamay.

Sa hindi inaasahang pahayag sa media conference nitong Biyernes (Sabado sa Manila), ipinakita ni Nadal ang kaliwang kamay na nakabalot ng asul na tela at ipinahayag na hindi na niya kakayaning magpatuloy pa sa ikatlong round ng French Open.

Iginiit ni Nadal na bunsod ng injury ay wala na siyang kakayahan na maipamalas ang pamosong forehand spin shot na nagbigay sa kanya ng siyam na French Open tile at 72-2 marka sa red clay court.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“To win the tournament, I need five more matches,” pahayag ni Nadal. “And the doctor says that’s 100 percent impossible.”

Ayon kay Nadal, ang kanyang pahayag ay maituturing niyang “one of the toughest press conferences in my career,”.

Natabunan din ng naturang pahayag ang naitalang straight-set victory nina defending champion Stan Wawrinka at No. 2-seeded Andy Murray, gayundin ang pagkasibak ni twot-time Wimbledon champion Petra Kvitova kay 108th ranked Shelby Rogers, 6-0, 6-7 (3), 6-0.

Nabigla naman ang No. 15 ranked na si John Isner, nalalabing American sa men’s singles, sa pag-atras ni Nadal, matapos malaman ang kaganapan, may 15 minuto mula nang maitarak ang five-setter win at maisaayos ang quarterfinal duel kay Murray.

Dagok sa torneo ang pagkawala ng isa pang world-rated player matapos umatras sa laro si 17-time major champion Roger Federer dahil sa pananakit ng likod.

Nabawasan din ng karibal si No. 1 Novak Djokovic, nagtatangkang masungkit ang ikaapat na sunod na major title at kauna-unahan sa Roland Garros. Malaki ang posibilidad na magkaharap ang dalawa sa semi-finals.