Isinusulong ng Commission on Election (Comelec) ang ilang bagong panukalang batas, na magsasamoderno sa halalan sa bansa.

Inihayag ni Comelec Chairman Andres Bautista na pinag-iisipan nila ang pag-aamyenda sa mga napaglumaan nang mga probisyon ng ilang batas kaugnay sa halalan at ng Omnibus Election Code (OEC) upang higit panahon.

“We want election laws that will be more reflective of the current situation, especially with regards to technology and on how technology has changed our election,” sabi ni Bautista sa isang forum.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi niya na kabilang sa mga posibleng pagbabago na kanilang ikinokonsidera ay paghiwalayin ang pagdaraos ng national at local elections.

Sa ilalim ng Republic Act No. 7166, ang eleksiyon ng mga pambansang opisyal ay dapat na sabay na isagawa sa eleksiyon ng mga lokal na opisyal isang beses kada tatlong taon sa ikalawang Lunes ng Mayo.

“Why are our elections held in just one day? In other countries, it is held for several days,” sabi ni Bautista.

Idinagdag din niya na ikinokonsidera rin nila ang pagbabago sa probisyon ng OEC upang ibasura na ang ladderized canvassing, na ayon kay Bautista ay hindi na kailangan sa automated election system (AES).

“Why do we need to wait for the ladderized canvassing, which will still have to go through the municipal, city, provincial board of canvassers when we already know who are the winners in the national positions?” sabi ni Bautista.

Ipinanukala din ng poll official ang mga batas naComelec sa premature campaigning, pagsama sa senior citizens at persons with disability (PWD) sa Local Absentee Voting (LAV), at patatagin ang tuluy-tuloy na voters’ education.

Sinabi ni Bautista na ang mga isyung ito ay kanilang field at main office, na lalahukan ng kanilang mga tauhan sa Hulyo.

“We want to hear from our people the lessons learned and see if they have suggestions on how we can improve upon the elections in the coming years,” sabi ni Bautista. (Samuel Medenilla)