MUKHANG seryoso na talaga ang relasyon nina Mark Neumann at Angelica Yap aka Pastillas Girl para magawang layasan ng aktor ang kanyang manager na nakadiskubre sa kanya, si Gio Medina na may-ari ng Artista Salon.

Matagal na naming nababalitaang nagkakamabutihan na sina Mark at Pastillas Girl, simula nu’ng pagsamahin sila ng manager nila sa iisang bahay, pero magkaiba naman ang kuwarto at hindi naman puwedeng mangapit kuwarto dahil kaliwa’t kanan ang mga CCTV, pero mukhang nakakalusot daw.

Tuwing makakausap namin noon si Mark, parati niyang sinasabi na wala siyang girlfriend dahil bawal at ayaw ng manager niya dahil gusto nitong mag-concentrate siya sa career na tama rin naman lalo’t breadwinner ang aktor, nasa ibang bansa ang mga magulang niya na siya ang sumusuporta.

Noong makatsikahan din namin si Pastillas Girl inamin niyang saka na rin muna siya magbo-boyfriend dahil gusto muna niyang magseryoso sa career lalo’t wala na ang mommy niya na napatay noong nakaraang taon. Bukod dito ay pag-aaralin niya ang kapatid na nasa kolehiyo ngayon.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Si Mark ang alam naming umalis sa bahay ng manager niya, hindi lang namin alam kung kasama rin si Pastillas Girl sa pag-aalsa-balutan.

Ang tanong, paano na ang career ni Mark at projects niya sa TV5? 

Gayuman, hinihintay pa rin siya ng manager niyang bumalik sa bahay nito.

Dapat kasi hindi pinagsama sa iisang bahay sina Mark at Pastillas Girl dahil may nagbulong sa amin na, “Malandi si Mark pagdating sa babae, pati nga fans pinapatulan at ipinamimigay niya ang number niya.” (Reggee Bonoan)