DALAWANG miyembro ng simbahan ang hindi nagkasundo kaugnay sa trivial matter. Ang hindi nila pagkakasundo ay nauwi sa samaan ng loob at pag-aaway. Ikinalungkot ito ng kanilang kaibigan.

“Ako magsisilbing tagapamayapa at gagawin ko ang aking makakaya upang maghilom ang sugat sa kanilang mga puso,” sabi niya sa kanyang sarili.

Una na muna niyang tinawagan ang kanyang kaibigan si Bert at tinanong ng,

“Anong tingin mo sa kaibigan kong si Tony? “ “Tingin ko sa kanya?” balik-tanong ni Bert. “Naaabalidbaran ako sa kanya!” “Pero,” sabi ng tagapamayapa, “kailangan mong aminin na napakabait niya sa kanyang pamilya.”

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“Oo, tama ‘yon. Mabait nga siya sa kanyang pamilya.” Nang sumunod na araw, tinawagan naman ng tagapamayapa ang kaibigan niyang si Tony. “Alam mo ba kung ano ang sinabi ni Bert tungkol sa’yo?”

“Hindi, pero alam ko masasama ang sinabi niya tungkol sa akin!” ani Tony. “Well,” sambit ng tagapamayapa, “sinabi niya na sobrang bait mo sa iyong pamilya!”

“Ano?! Sinabi niya ‘yon?” nagulat na pahayag ni Tony. “Talagang sinabi niya. Ngayon, anong tingin mo kay Bert?”

tanong ng tagapamayapa. “Tingin ko, isa siyang mangmang.” Sabi ni Tony. “Ngunit,” ani ng tagapamayapa, “kailangan mong aminin na siya’y matapat na tao.”at sumagot si Tony ng, “Oo, matapat nga siyang tao.”

Nang sumunod na araw, tinawagan uli ng tagapamayapa si Bert at sinabing, “Alam mo bang sinabi ni Tony na ikaw ay isang matapat na tao?” At sumagot si Bert ng, “Hindi totoo ‘yang sinasabi mo.”At sumagot ang tagapamayapa ng, “Totoo ang sinasabi ko. Narinig ‘yon ng tenga ko!”

Pagsapit ng Linggo, nagkasalubong sina Bert at Tony sa simbahan, sa pagkakataong ito sila ay nagkangitian at nagkaayos na.

Ang kuwentong ito ay nagpapakita ng ating responsibilidad bilang mga Kristiyano o Muslim na maging tagapamayapa.

Imbis na palalain ang away o gulo ng mga tao, misyon natin na paghilumin ang sugat sa puso ng bawat isa at palaganapin ang kapayapaan. (Fr. Bel San Luis, SVD)