Libong motorista at commuter ang sumasakit ang ulo dahil sa matinding trapiko na dulot ng magkakasunod na aksidente na nagsimula noon pang Biyernes, nang isang trailer truck ang tumagilid sa bahagi ng Carranglan sa Nueva Ecija.

Ang matinding trapiko ay nagbunsod upang mahigit 10 oras na ma-stranded ang mga biyahero sa national highway sa Carranglan, Nueva Ecija hanggang sa Dalton Pass sa Sta. Fe, Nueva Vizcaya.

Inihayag ng Sta. Fe Police na ginawang one-way traffic ang southbound lane, at pinayuhan ang commuters na gamtin ang daan patungong Kayapa, Nueva Vizcaya-Benguet Road para makaiwas sa matinding abala.

Kasabay nito, pinayuhan din ang publiko na maging mahinahon at huwag pairalin ang init ng ulo.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nagbigay naman ng update sa lagay ng trapiko ang Sta. Fe Police sa Facebook account nito. (Liezle Basa Iñigo)