Nakatakdang talakayin ng Supreme Court (SC) ang apela para sa house arrest ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga (2nd District) Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa pagbabalik ng sesyon nito sa Martes.

Kasalukuyang nasa isang buwang “decision-writing” recess ang SC kasunod ng en banc summer session sa Baguio City noong Abril 4-25.

Sa mosyon, iginiit ni Arroyo ang apela nito para sa house arrest, na inihain niya noong Disyembre, habang hinihintay ang resolusyon sa kanyang petition to bail sa kasong plunder case sa Sandiganbayan.

Ang dating pangulo ay nasa “hospital arrest” sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City habang nagpapagamot sa sakit sa buto. (PNA)

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga