Ngayong simula na ng panahon ng tag-ulan, nanawagan si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Senen S. Sarmiento sa mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan sa bansa na ipatupad ang “Oplan Listo” bilang paghahanda sa magiging epekto ng La Niña sa susunod na anim na buwan.

Partikular na binalaan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga lalawigan ng Isabela, Quezon, Samar, Leyte, Surigao, Agusan at Bicol sa posibleng matinding epekto ng La Niña.

Dahil dito, hinikayat ni Sarmiento ang lahat ng gobernador, alkalde ng munisipalidad at siyudad, at DILG regional director na magbalangkas ng precautionary measure sa kani-kanilang nasasakupan.

“LGUs are encouraged to convene their respective Local Disaster Risk Reduction Management Councils to prepare a La Niña Action Plan; closely coordinate with PAGASA for timely weather updates and with the DENR-Mines and Geosciences Bureau for adequate information on the threat of flooding and rainfall-induced landslides within the respective LGU,” pahayag ni Sarmiento.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Inatasan din ng DILG chief ang lahat na lokal na pamahalaan na magsumite ng status report, sa mga field at regional office ng kagawaran, sa mga insidenteng may kinalaman sa La Niña, kabilang ang preparasyon at pagtaya sa mga naapektuhang lugar. (CZARINA NICOLE O. ONG)