Ginapi ng Meralco ang San Miguel Beer, 93-86, para makopo ang Metro Manila Cloudfone-Batang PBA 16&Under championship nitong Biyernes, sa Philippine Science High School gym sa Quezon City.

Sa kabila ng kabiguan, makakasama ng Batang Bolts ang Batang Beermen sa national championship na magsisimula ngayon sa Ateneo Blue Eagle gym.

Sasabak din ang provincial qualifiers Iloilo laban sa Davao at Laguna kontra Pampanga.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Nadomina ng Batang Bolts ang tempo ng laro kung saan nakuha nila ang 24-14 bentahe sa first quarter at 47-36 sa halftime.

Nanguna si Francis Glorioso sa 39 na puntos.

Sa laro para sa ikatlong puwesto, nanaig ang Batang Phoenix sa Batang Barangay Ginebra San Miguel, 84-79.