MAY siyam na ebolusyon ang ating Pambansang Watawat bago ito tuluyang maging bandila ng Pilipinas na binibigyang-pugay kasabay ng pag-awit ng Pambansang Awit sa flag raising ceremony na karaniwang ginagawa tuwing Lunes ng umaga sa harap ng munisipyo sa iba’t ibang bayan sa iniibig nating Pilipinas.

Ang unang ebolusyon ay ang bandila ng Himagsikan na sinundan ng bersiyon ng watawat ng Katipunan na may tatlong “K”.

Sinundan ito ng isang bandila na may letrang K sa gitna. Ang bandila ni Gat Andres Bonifacio, at ang opisyal na bandila ng de facto government na sinundan ng unang opisyal na rebisyon—ang watawat ni Heneral Mariano Llanera, Pio del Pilar at ni Heneral Gregorio del Pilar.

Sinasabing ang paggalang natin sa ating pambansang watawat na lalong magiging makahulugan kung alam natin ang sagisag at kahulugan nito. Ang kulay pula ay nangangahulugan ng walang pangalawang tapang ng mga Pilipino. Ang kulay puti ay nangangahulugang may kakayahan ang mga Pilipino na pamahalaan ang kanilang sarili. Ang bughaw ay simbolo naman ng matinding pakikipaglaban ng mga Pilipino para sa Kalayaan. Kinakatawan naman ng triyanggulong equilateral ang hangarin ng Katipunan na Kalayaan, pagkakapantay-pantay at kapatiran.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang tatlong bituin ay simbolo ng tatlong pangunahing geographical subdivision ng Pilipinas—Luzon,Visayas, at Mindanao. Ang mga tuldok sa bawat bituin ay kumakatawan sa lahat ng pulo. Ang walong sinag ng araw ay ang kumakatawan sa walong lalawigan na naghimagsik laban sa mga Kastila noong panahon ng Himagsikan.

Ang ating pambansang watawat ay naiiba sa ibang mga bandila. Kapag ang kulay pula nito ay nasa itaaas at nasa ibaba naman ang kulay bughaw, nangangahulugan na ang bansa ay nasa digmaan.

Igalang natin ang pambansang watawat. Hindi lamang ito kumakatawan sa ating pagkakakilanlan. Ang ating pambansang bandila ay nakulayan ng dugo ng ating mga ninuno na nagsakripisyo upang ating makamtan ang kalayaan at kapayapaan.

Ngayong Mayo 29 ay ipinagdiriwang ng mga Kristiyanong Katoliko ang Kapistahan ng Corpis Christi (Katawan ni Kristo).

Ang Solemnity ng Corpus Christi ay itinatag upang ipagtanggol ang doktrina ng Simbhan sa tunay na presensiya ng Diyos sa Banal na Eukaristiya. Ang kapistahang ito ay unang idinaos noong huling bahagi ng ika-13 siglo upang himukin ang mga mananampalatayang Kristiyano na paglaanan ng espesyal na karangalan ang Banal na Eukaristiya na itinatag ni Jesukristo noong Huling Hapunan kasama ang kanyang mga alagad noong unang Huwebes Santo. Tampok ang misa at prusisyon. (Clemen Bautista)