Inihayag ng susunod na pinakamayamang kongresista sa bansa, na may yamang aabot sa mahigit P17 bilyon, na hindi niya kukubrahin ang kanyang suweldo bilang miyembro ng Kamara, at gagamitin na lang ang pera para pag-aralin ang mahihirap na estudyante.

Sinabi ng first nominee ng 1PACMAN Party-list na si Mikee Romero na pangunahing makikinabang sa kanyang scholarship ang mga estudyante sa mga komunidad na ang mga opisyal ay sumuporta sa kampanya ng mga party-list para sa katatapos na eleksiyon.

“I am taking this opportunity (of becoming congressman) to give back to the community, especially the poor,” sinabi ni Romero, na pinamumunuan ang ilang dambuhalang kumpanya at may sariling professional basketball team, ang Global Port Batang Pier.

Tinatayang aabot sa P90,000 hanggang P120,000 ang susuwelduhin ni Romero kada buwan bilang kongresista.

Probinsya

Lalaking nambuhos ng mainit na kape sa jowa, sugatan matapos tagain at gantihan

Inaasahang si Romero ang papalit kay Sarangani Rep. Manny Pacquiao bilang pinakamayamang kongresista sa bansa, dahil nahalal nitong Mayo 9 si Pacquiao bilang senador. (Ben R. Rosario)